Inendorso na ng Commission on Elections’ task force against vote buying sa Task Force Kontra Bigay ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang report hinggil sa kahina-hinalang bank withdrawals sa kasagsagan ng halalan.
Ayon kay Comelec acting spokesperson John Rex Laudiangco na aantayin pa nila ang magiging report ng AMLC hinggil sa naturang uspain.
Sinabi naman ng Comelec official na wala pa silang impormasyon kung mayroong kandidato na sangkot sa umano’y suspicious bank wthdrawal dahil pagkatanggap aniya ng naturang report ay agad itong pianimbestigahan sa AMLC.
Kinumpirma naman ni Laudiangco na nakatanggap at natugunana ng Task Force kontra Bigay ang nasa 933 reported vote buying incidents sa kanialng FB account.
Mayroon ding 88 valid reports na natanggap ang task force mula sa 167 compliants mula sa email ng Comelec.
Samantala, ang mismong poll body naman ay mayroong 73 vote buying reports na natanggap kung saan tanging 12 pa lamang ang verified.