-- Advertisements --

Sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na nakaranas siya ng matinding emosyonal na reaksiyon mula sa anak ni Senador Jinggoy Estrada, kabilang ang pagmumura at pagbibigay ng “dirty finger.”

“There’s a slight altercation between me and his daughter. She gave me the dirty finger and cursed at me and I said, ‘It’s okay, I understand. You’re very emotional,’” ani Remulla.

Nang tanungin kung nakilala niya ang naturang indibidwal, sinabi ng kalihim na hindi niya ito kilala.

“I don’t know this one,” dagdag niya.

Paliwanag pa ni Remulla, pinili niyang hindi na palakihin ang insidente at inunawa na lamang ang naging emosyon sa sitwasyon.

“But I said, ‘It’s okay.’ It was not personal, nagiging personal lang ang lahat,” aniya.

Nilinaw rin ng DILG chief na isinagawa ng mga awtoridad, sa pangunguna ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), ang pag-aresto kay Estrada, taliwas sa pahayag ng senador na siya ay kusang sumuko.

Naganap ang operasyon sa Senado matapos maglabas ang Sandiganbayan ng ikalawang arrest warrant laban kay Estrada kaugnay ng kasong plunder na itinuturing na non-bailable at isinampa ng Office of the Ombudsman.

Samantala, bago ang kanyang pagharap sa mga awtoridad, sinabi ni Estrada sa isang pulong balitaan na nananatili siyang bahagi ng tinatawag niyang “independent majority bloc” at hindi umano niya tinanggap ang mga alok sa kanya na magpalit ng kampo kapalit ng pagbasura ng kaso.

“Mas nanaig ang paninindigan ko, na ako’y manatili sa hanay ng mga kasamahan ko sa independent majority bloc,” ani Estrada.