-- Advertisements --
Target ng Commission on Election (COMELEC) na makapagparehistro ng panibagong tatlong milyon na botante sa darating na 2025 national at local elections.
Sinabi ni COMELEC chairman George Erwin Garcia, na para makamit ito ay ilulunsad nila ang malawakang information dissemination.
Una ng itinakda ng Comelec ang pagsisimula ng voter registration sa buwan ng Pebrero at magtatapos ito ng hanggang Setyembre 2024.
Nakatakdang maglabas ng panuntunan ang Comelec sa mga susunod na araw ukol sa registration kung saan isasama ang pagbabawal sa paggamit ng mga company-issued na identification card para makapagparehistro.
Mararapat na government-issued ID ang gamitin dahil sa marami ang umabuso ng paggamit nito noong mga nagdaang halalan.