Tinatarget ngayon ng Commission on Elections na muling ibalik ang paglalabas ng voter’s identification cards.
Paliwanag ni Comelec chairman George Erwin Garcia, hanggang sa ngayon kasi ay marami pa rin sa ating mga kababayan ay hindi pa rin nakukuha ang kanilang national ID.
Kung kaya’t sa ngayon ay sinimulan na ng comelec en banc ang pagtalakay hinggil sa posibleng pagbabalik ng issuance ng mga voter’s id ngayong taon.
Samantala, plano rin aniya ng komisyon na lagyan ng 32 security features ang naturang identification card.
Kaugnay nito ay umaasa naman si Garcia na maibibigay ng komisyon ang initial batch ng voter’s ID sa mga OFW.
Matatandaan na noong Disyembre 2017, pinatawan ng indefinite suspnesion ng poll body ang pag-iisyu ng voter’s ID dahil sa paglabas ng gobyerno ng national ID sa ilalim ng Philippine Identification System (PhilID).