Ipinag-utos ng Commission on Elections (Comelec) sa 626 na kandidato sa October 30 barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na ipaliwanag ang kanilang maagang pangangampanya sa kabila ng mga pagbabawal ng komisyon.
Batay sa pinakahuling datos nito, sinabi ng Comelec na nagpadala sila ng karagdagang 156 show-cause order sa mga kandidato ng BSKE na napatunayang sangkot sa mga aktibidad sa maagang kampanya.
Ayon kay Garcia, wala pang mga kandidato sa barangay o kabataan ang nagsumite ng kanilang mga tugon sa komisyon.
Sinabi ng opisyal, na kung hindi makapag paliwanag ang kinauukulang BSKE bets sa loob ng tatlong araw mula sa pagtanggap ng show cause orders, maaari silang maharap sa disqualification cases.
Sa ngayon, magpapatuloy ang COMELEC sa pagsasampa ng mga kaso sa mga lumalabag sa panuntunan sa mga aspiring BSK officials.
Ayon sa Comelec, ipinagbabawal pa rin ang election activities hanggang Oktubre 18 at ipinaalala na magsisimula lamang ang campaign period sa Oktubre 19.