Mahigpit na ipinagbabawal sa mga kandidato para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na i-promote ang kanilang sarili sa social media hangga’t hindi pa nagsisimula ang campaign period.
Ito ang naging pahayag ng Commission on Elections (Comelec) sa nalalapit na BSKE sa bansa.
Pinaalalahanan ni Comelec Chairperson George Erwin Garcia ang mga kandidato tungkol sa Section 80 ng Omnibus Election Code, na nagbabawal sa election campaigns o partisan political activity sa labas ng itinalagang panahon.
Sa ilalim ng Comelec Resolution 10905, hindi pinapayagan ang pangangampanya sa pagitan ng Setyembre 3 at Oktubre 18, 2023.
Ang panahon ng kampanya ay mula Oktubre 19 hanggang 28.
Ani Garcia, ang lalabag ay maaaring madiskwalipika at maharap ng criminal charges.