-- Advertisements --

Nangako si Commission on Elections (Comelec) chairperson George Garcia na paiigtingin ng poll body ang pagsisikap nito sa pagresolba sa mga election protest at iba pang alitan na nauugnay sa halalan.

Ginawa ni Garcia ang komento bilang tugon sa pahayag ni Senator Risa Hontiveros na ang pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo ay dahil na rin sa matagal na pagresolba ng kanyang election protest, bukod sa iba pang poll dispute na pinangangasiwaan ng Commisson on Election.

Aniya, habang ang poll body ay nakapagresolba ng humigit-kumulang 9,000 na mga kaso, mayroon pa ring 2,000 na nakabinbing resolusyon.

Gayunman, nilinaw ng Commisson on Elections na hindi saklaw ng kanilang hurisdiksyon ang mga proclaimed winners sa House of Representatives, Senate, Vice President at President na nasa ilalim ng House of Representatives Electoral Tribunal, Senate Electoral Tribunal at Korte Suprema bilang Presidential Electoral Tribunal.

Bagama’t inamin ni Garcia na may punto si Hontiveros kahit na umapela siya para sa pang-unawa dahil ang komisyon ay shorthanded umano sa manpower para iproseso ang lahat ng mga electoral protest na inihain sa pagsasagawa ng May 2022 elections.

Sa kasalukuyan, sunod sunod kasi ang mga pananambang at pagpatay sa mga pulitiko mula sa iba’t ibang mga lugar sa ating bansa.