-- Advertisements --

Umabot na sa 170 na malls ang nakipagkasundo sa Commission on Elections para sa proyekto nitong register anywhere na layong padaliin ang transaksyon sa Comelec kabilang na ang registration for new voters, reactivation of account, transfer registration, updating of voter information, at iba pa.

Magsisimula ang voter registration sa February 12 hanggang September 30 ngayong taon kung saan binigyang-diin ni Comelec Chairman George Garcia na hindi na palalawigin pa pagkatapos ng nasabing deadline.

Pinaalalahan nito ang publiko na samantalahin na ang pagpapa-rehistro sa mga mall habang maaga pa. Ginagarantiya umano nila ang convenience sa pagpapa-rehistro gayong inilapit na nila sa mga tao ang lugar ng pagpaparehistro.

Binalaan din ni Garcia ang mga Pilipino laban sa double o multiple registrations. Aniya, may kakayahan ang komisyon na malaman kung sila ay double registrant. Maaari itong maharap sa isa hanggang tatlong taong pagkakakulong dahil sa kasong election offense.