Nakahanda ang Commission on Elections sa magkakasunod na pagsasagawa ng 2022 Barangay at Sangguniang Kabataan elections at apat na plebisito ayon kay Comelec Chairman George Garcia.
Paliwanag ni Garcia na ang hindi lamang nakadepende ang isang electoral exercise sa iba pang electoral exercises sakaling ang mga ito ay matuloy alinsunod sa nakasaad sa batas.
Sa katunayan, ayon kay Garcia ay marami nang nangayaring karanasan ang poll body kung saan nagkasabay-sabay ang national election at plebisito.
Hindi din aniya maaaring ipagpaliban ang mga plebisito dahil may nakasaad sa batas kung kaialn isasagawa ang plebisito at nag-aantay din ang mismong lugar na maapektuhan.
Kabilang sa apat na plebisito na nakatakdang isagawa ngayong taon ay ang ratipikasyon ng paglikha ng Barangay New Canaan mula sa Barangay Pag-Asa sa Alabel, Sarangani sa August 20, 2022.
Ang ratipikasyon ng conversion ng Municipality ng Calaca sa Batangas bilang isang component city na isasagawa sa Setyembre 3, 2022.
Ang ratipikasyon ng dibisyon ng Maguindanao provinnce sa Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur na nakatkdang isagawa sa Setyembre 17 at ang ratipikasyon ng pasasanib ng 28 barangay sa Barangays at isa pang barangay sa ormoc City sa Oktubre 8.
Isasagawa naman ang BSKE sa buwan ng Disyembre.