Inanunsyo ng Commission on Elections na naisapinal na nila ang ilang mga panuntunan para sa pagpapatupad ng “Money Ban” ngayong nalalapit na ang Barangay at Sangguniang Kabataan Election 2023.
Sa isang pahayag,sinabi ni Commission on Elections Chairman George Garcia sa mga susunod na araw ay idedetalye nila isa-isa ang naturang mga guidelines sa publiko upang maintindihan ito ng nakararami.
Unan nang sinabi ng COMELEC ang plano nilang pagpapatupad ng Money Ban upang malabanan ang vote buying at pagbebenta ng boto ngayong nalalapit na ang Barangay at Sangguniang Kabataan Election .
Idinetalye rin ni Garcia ang nakasaad sa Section 27 ng draft of Kontra Bigay Resolution.
Dito ay ipagpapalagay ng komisyon na mayroong nagaganap na vote buying at selling kung ang isang indibidwal ay makuhanan ng malaking halaga ng pera na lalagpas sa 500k limang araw bago ang nakatakdang araw ng eleksyon.
Gayunpaman, sinabi ni Garcia na ang mga indibidwal na may makatwirang background ay exempted sa naturang Money Ban kabilang na ang mga negosyante at disbursement officers o cashier, at iba pa.
Pangungunahan naman ng Philippine National Police ang pagpapatupad ng 24 hour money ban checkpoints sa buong bansa.