Nanawagan at nagbabala ang ilang opisyal ng Commission on Elections (Comelec)sa mga taong gumagawa ng mga pahayag na kumukuwestiyon sa integridad ng pagsasagawa ng 2022 polls.
Nagbabala si Commissioner Rey Bulay na hihingi ng tulong ang Comelec sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para arestuhin ang mga taong ito na nagdudulot ng kaguluhan sa halalan.
Sa pahayag na binasa ni Commissioner Aimee Ferolino sa press conference, binanatan ni Commissioner Socorro Inting ang AIM Alumni para kay Leni dahil sa paghahasik umano ng kawalan ng tiwala sa integridad ng Comelec.
Para kay Inting, ang apela ng grupo ay nagkondisyon sa isipan ng mga Pilipino na hindi kapani-paniwala ang darating na halalan sakaling matalo si Bise Presidente Leni Robredo sa pagkapangulo.
Sinabi rin ni Commissioner George Garcia na hindi dapat hayaan ng Comelec na mag-slide ang mga komentong ito dahil wala silang basehan.