-- Advertisements --

Nakatakdang pulungin ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ganun din ang Philippine Coast Guard.

Sinabi ni COMELC Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, na isasagawa ang nasabing pagpupulong sa Agosto 22 kasama ang bagong Commanding General ng Philippine Army na siy Lt. General Roy Galido.

Matagal na nila nakasama ng COMELEC si Galido mula noong ito ay nasa Western Mindanao Command at 6th Infantry Division kaya walang magiging problema sa ugnayan nila.
Isa sa pangunahing tatalakayin sa pulong ay ang nalalapit na pagsasagawa ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.