-- Advertisements --

Magsasagawa ang Commission on Election ng tinatawag na “opening of books of voters’ lists o pagbubukas ng mga libro ng listahan ng mga botante sa buong bansa simula sa Abril 18 hnaggang sa 29.

Ayon kay comelec commissioner George Garcia ang libro ay gagamitin sa loob ng voting precincts at ang mga listahan ay ipapaskil sa labas ng mga precincts sa araw ng halalan ay maaaring makita.

Ginawa ni garcia ang naturang pahayag kasabay ng pagtalakay sa ilang layers of security para masiguro ang kredibilidad ng nalalapit na halalan dahil sa ilang concern na rin na ilang mga namatay na indibidwal ang posibleng nasa listahan pa rin ng mga botante.

Aniya kapag ang pangalan ng isang indibidiwal ay nakalagay sa libro sa loob ng precinct o ang election day computerized voters list (EDCVL) papayagan ito na makaboto.

Subalit kapag absent ito sa election day computerized voters list, hindi papayagan ang naturang indibdiwal na makaboto kahit na ang kaniyang pangalan ay nasa listahan na nakapaskil sa labas ng precinct o sa nakapaskil na computerized voters list.

Hinimok din ni Garcia ang mg apoll watchers at citizen’s arm na makilahon sa verification ng listahan ng mga botante.

Maglalabas din ang Comelec ng isang voter information sheet.

Hinihikayat naman ang publiko na suriin ang kanilang schedule at voting precinct kung saan sila boboto sa opisina ng Comelc sa kanialng lugar bago ang araw ng halalan.