Inaprubahan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang internet voting para sa mga overseas voters ng 2025 national and local elections.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, na layon ng internet voting na makakuha ng mataas na overseas voter turnout.
Dagdag pa nito na tila nasayang ang nagastos na P411 milyon sa overseas voting noong nakaraang mga halalan dahil sa mababa ang voters turnout kaya naghanap sila ng ibang paraan para dumami pa ang mga Filipino sa ibang bansa na makibahagi sa halalan.
Paglilinaw nito na ang pag-apruba ng pagsasagawa ng internet voting para sa mga overseas Filipino voters ay nakabase sa Section 16.11 ng Republic Act 9189 ng Republic Act 10390.
Mula pa kasi noong 2012 ay hinilng ng COMELEC sa kongreso na magpasa ng batas na pagpayag sa mga overseas Filipino workers na bumuto sa pamamagitan ng internet.