-- Advertisements --

Inamin ng Commission on Elections (Comelec) na may ilang mga botante na pumanaw sa kasagsagan ng pandemiya ang nananatili pa rin sa listahan ng mga botante na maaaring gamitin para kwestyunin ang kredibilidad ng halalan.

Pero Paliwanag ni Comelec spokesperson James Jimenez na ang delisting process o pagtatanggal ng pangalan ng mga yumao na ay dumadaan sa local civil registrar.

Iginiit naman ni Commissioner George Garcia na kailangang maipagpatuloy ng Commission on Elections (Comelec) ang pamamahagi ng voter’s ID pagkatapos ng halalan sa Mayo.

Ito aniya ay makakatulong para maberipika ang identity ng isang botante sa kasagsagan ng eleksyon.

Ginawa ni Garcia ang naturang pahayag ng tanungin hinggil sa ilang layers ng seguridad kaugnay sa ilang concern na ilang mga namatay na indibidwal ang nananatili pa rin sa listahn ng mga botante.