Ipinag-utos ng Commission on Elections en banc ang pagbasura sa imbestigasyon laban kay Senator Rodante Marcoleta dahil sa kakulangan ng ebidensiya sa anumang kaso na may kinalaman sa halalan.
Iniimbestigahan ang Senador dahil umano sa hindi pagsisiwalat ng mga pangala ng nagbigay ng donasyon sa kaniyang statement of contributions and expenditures (SOCE) noong May 2025 elections.
Sa inilabas na resolusyon ay kanilang pinagtibay ang rekomendasyon ng Political Finance and Affairs Department (PFAD) na ibasura ang imbestigasyon kay Marcoleta.
Nakasaad dito na walang anumang ebidensiya na nagpapakita na nagkamit ng anumang election offense.
Inirekomenda rin ng PFAD ang pagsampa ng kaso laban sa mga donors ng mambabatas na sina Michael Tan Defensor, Joseph Varias Espiritu, at iba pa matapos na bigo ang mga ito na magsumite ng kani-kanilang mga report sa kontribusyon sa loob ng 30 araw matapos ang halalan.
Anim na commissioners ang bumuto sa resolusyon kung saan si COMELEC Chairman George Erwin Garcia ang nag-inhibit sa kaso.















