Nanawagan ang House Minority bloc sa Commission on Elections (Comelec) na magtatag ng karagdagang satellite registration centers para mas marami pang Pilipino ang mahikayat na magparehistro sa nalalapit na halalan.
Ito ay kasunod na rin nang pagkakatanggap nila ng mga reports hinggil sa mababang turnout ng mga bagong nagpapatala dahil sa hindi kaya ng poll body na makapag-accomodate raw ng maraming Pilipino na nais magparehistro.
Dahil dito, inihain ng grupo ang House Resolution No. 1796, kung saan kanilang iginiit ang kahalagahan nang nalalapit na presidential elections.
Kabilang sa mga lumagda sa resolusyon ay sina Representatives Joseph Stephen Paduano, Janette Garin, Jose Christopher Belmonte, Carlos Zarate, Stella Quimbo, Argel Cabatbat, Sharee Ann Tan, Bayani Fernando, France Castro, Arlene Brosas, Irene Saulog, Gabriel Bordado, Sergio Dagooc, Isagani Amatong, Lawrence Fortun, Alex Advincula, Eufemia Cullamat, Angelica Natasha Co, Godofredo Guya, Ferdinand Gaite, Maria Victoria Umali, Sarah Elago, at Jose Bonito Singson.