-- Advertisements --

Hinihiling ng Commission on Elections (Comelec) kay Pangulong Rodrigo Duterte na ideklara ang Mayo 9, 2022, bilang special non-working holiday dahil sa halalan.

Sinabi ni Comelec chairperson Saidamen Pangarungan na nilagdaan ng Comelec en banc ang Resolution No. 10784 na humihiling sa Pangulo na ideklara ang Mayo 9 bilang special non-working holiday sa buong bansa.

Ang local absentee voting para sa mga naka-duty sa Mayo 9, ay nagsimula noong Miyerkules, Abril 27, 2022 at tatagal hanggang Abril 29.

Sinabi naman ng Comelec na may kabuuang 84,357 na botante ang pinayagang maka-avail ng local absentee voting (LAV), na tatagal hanggang Abril 29, 2022.