-- Advertisements --
Walang balak ang Commission on Elections (COMELEC) na paliwigin pa ang Voter’s registration. Ayon kay COMELEC chairman George Garcia, na sa katapusan ng Enero ang siyang napagkasunduan na para sa pagtatapos ng registration na boboto sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Sa ngayon aniya ay doble kayod ang COMELEC para maabot nila ang target ng 2 milyon na botante na makapagparehistro.
Mula ng ilunsad ang registration ay aabot pa lamang sa mahigit 400,000 ang nakapagparehistro.
Inaasahan na rin ng COMELEC na dadagsa ang mga magpaparehistro sa mga huling araw ng registration period.