-- Advertisements --
Hihilingin ng Commission on Elections sa Malacañang para ideklara ang Oktubre 30 bilang holiday para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Ayon kay Comelec chairman George Garcia, magiisyu sila bukas ng request para sa naturang deklarasyon.
Ang naturang request aniya ay isasagawa sa pamamagitan ng isang resolusyon.
Ang lokal na halalan sa Oktubre 30 na natapat sa araw ng Lunes ay maguumpisa mula alas-7 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.