Nilinaw ngayon ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon na hindi nito dini-delay ang desisyon sa disqualification case na inihain laban sa presidential aspirant na si dating Sen. Bongbong Marcos.
Ayon kay Guanzon n presiding officerng Comelec First Division, sa katunayan ay handa na raw ang kanyang hiwalay na opinyon noon pang Enero 17.
Ang First Division ang siyang humahawak sa disqualification case laban kay Marcos na inihain ng Akbayan at iba pang civic leaders dahil umano sa paglabag nito sa Tax Code provision.
Sinabi ni Guanzon na ang desisyon ng ponente ay pagbobotohan naman ng tatlong Comelec First Division members kabilang na siya.
Dagdag na paglilinaw ni Guanzon na hindi siya ang magsusulat ng desisyon sa naturang kaso.