-- Advertisements --

Magpapakalat ng limang team ang Commission on Elections (COMELEC) para mahigpit na bantayan ang voter registration activities para sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) election sa Oketubre.

Ayon kay Comelec spokesman John Rex Laudiangco, na mayroong limang Registration Monitoring Teams (RMT) ang kanilang itatalaga sa Office of Election Officers.

Ilan sa mga lugar na tinukoy nito ay sa lugar ng Valenzuela City, Caloocan City, Taguig City, San Jose del Monte City, Bulacan at Imus City sa Cavite.

Magsisimula kasi ngayong araw ang nationwide registration ng Barangay at SK elections na magtatapos ng hanggang Enero 31.

Isasagawa ito mula Lunes hanggang Sabado kabilang ang holidays sa Office of Election Officers sa mga lungsod, municipality o distrito kung saan nakarehistro ang botante.

Wala aniyang magaganap na voter registration sa araw ng Pasko at Bagong Taon.