Lumagda ang Commission on Elections (Comelec) at Anti-Red tape Authority ng isang memorandum of understanding (MOU) upang isulong ang bureaucratic efficiency.
Sinabi ni Comelec Chairperson George Erwin Garcia, na ang COMELEC ay patuloy na susunod sa mga batas at tuntunin ukol sa pagpoproseso ng iba’t-ibang dokumento para sa pamahalaan.
Aniya, buo ang suporta ng poll body sa adbokasiya ng ARTA sa pagpapabilis ng pagproseso ng mga dokumento kahit na lampas na sa election period.
Binigyang-diin ng Comelec ang pagbabalanse ng mabilis na pamamaraan at seguridad, lalo na sa pagbibigay ng mga kahilingan mula sa mga barangay.
Sinabi niARTA Sec. Ernesto Perez na kung ang lahat ng barangay ay magtutulungan sa mas mahusay at mabisang pamamaraa, mas maraming Pilipino ang makikinabang sa epekto ng kadalian ng pagnenegosyo.
Giit ni Perez na ang mga ito ay maaaring makamit sa pamamagitan ng digitalization at streamlining ng mga pamamaraan sa lahat ng serbisyo ng gobyerno ng Pilipinas.