Aminado ang Commission on Elections (Comelec) na matagal na nilang problema ang mababang voter turnout sa overseas voting.
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, ito ang dahilan kung bakit nga nila isinusulong naman ang internet voting.
Nakikita nila na magkakaroon nang pagtaas sa voter turnout sa overseas voting kung papayagan ang pagboto sa pamamagitan ng internet.
Hirap kasi aniya talaga ang ilan sa mga Pilipinong nasa abroad na pumunta sa embahada o konsulada lalo pa kung sa malayo sila nakatira.
Sa ngayon, sinabi ni Jimenez na isinasapinal pa nila ang kanilang rekomendasyon sa Kongreso para sa halalan sa mga susunod na taon ay baka puwede na ang internet voting sa ibayong dagat.
Nabatid na noong nakaraang taon ay nagsagawa ng ilang serye nang tests runs ang Comelec para sa overseas internet voting.