dyip nlex
Photo courtesy of PBA

Nirehistro ng Columbian Dyip ang kanilang buwena manong panalo sa 2019 PBA Commissioner’s Cup makaraan nilang sagasaan ang NLEX Road Warriors, 120-105, sa bakbakan sa MOA Arena sa lungsod ng Pasay.

Pinamunuan ni rookie CJ Perez ang Columbian matapos itong tumipon ng bagong career-high na 39 points kasama ang 7-of-8 shoo­ting sa three-point line.

Umalalay naman si import Kyle Barone, na nakatakdang palitan ni Lester Prosper, ng 31 points, walong rebounds at tatlong assists.

Agad nagpasabog ang Dyip sa pag-uumpisa ng first canto tampok ang 11-0 abante hanggang maglaglag ang NLEX ng 16-4 bomba para sa kanilang 16-15 bentahe.

Nang makuhang muli ng Columbian ang abanse sa naturang yugto ay hindi na nila nilingon ang NLEX, 51-39, mula sa three-point shot ni Eric Camson sa nalalabing 1:55 minuto bago ang halftime.

Sumandal naman ang NLEX kay import Tony Mitchell na nagpakawala ng 32 markers at 16 boards.

Nagdagdag din sina Philip Paniamogan ng 18 points at sina Juami Tiongson at Raul Soyud na kapwa may tig-12, ngunit hindi nila napigilan ang Road Warriors na lumagapak sa 0-4.

Narito ang mga iskor:

Columbian 120 – Perez 39, Barone 31, Corpuz 18, McCarthy 12, Camson 7, Calvo 6, Celda 5, Cahilig 2, Faundo 0, Reyes 0, Cabrera 0, Khobuntin 0, Tabi 0.

NLEX 105 – Mitchell 32, Paniamogan 18, Tiongson 12, Soyud 12, Monfort 9, Baguio 8, Rios 4, Erram 4, Ighalo 3, Galanza 3, Paredes 0, Taulava 0, Magat 0, Lao 0.

Quarters: 24-22, 53-39, 93-67, 120-105.