-- Advertisements --

Nagkita na sina Colombian football star Luis Diaza at ama nitong si Luis Manuel Diaz ilang araw matapos na mapakawalan ng mga dumukot sa kaniya.

Umabot sa 12 araw na hawak ng National Liberation Army (ELN) ang nakakatandang Diaz.

Naging emosyonal ang pagkikita ng dalawa kung saan nagkayakapan pa ang mga ito.

Noong nakaraang Huwebes ng mapakawalan ang 58-anyos na si Diaz dahil na rin sa tulong ng United Nations at Simbahang Katolika.

Unang kasamang dinukot ng mga rebelde ang ina nasi Cilenis Marulanda at una nila itong pinakawalan noong Nobyembre 5.