Nanawagan ang dating mambabatas na si Neri Colmenares na tutulan ang umano’y self-serving at makasariling Cha-cha.
Binigyang-diin ni Colmenares na ang people’s action ang importante para tutulan ang planong Cha-cha. Inilarawan niya rin ito bilang most dangerous Cha-cha dahil well-organized at well-funded umano ang people’s initiative na isinusulong ng ilang grupo.
Ang isinusulong na people’s initiative ay naglalayong amyendahan ang konstitusyon sa pamamagitan ng iisang boto ng mataas at mababang kapulungan ng Kongreso kung saan tinututulan ng ilang pulitiko dahil lugi umano ang boto ng 24 na senador kumpara sa 300 miyembro ng House of Representatives.
Dagdag pa ni Colmenares, kailangang kumilos kaagad ang mga hindi sang-ayon sa people’s initiative para kuwestiyunin ang legalidad nito.