Sa kauna-unahang pagkakataon, plano ngayon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na gumawa ng temporary dormitories para sa mga hospital workers na patuloy na lumalaban sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon sa DPWH, itatayo ang mga collapsible dormitories sa mga major hospitals sa East Avenue at Quezon Avenue sa Quezon City para sa mga doctors at hospital staff.
Sinabi ni DPWH Sec. Mark A. Villar, Undersecretary at ang head ng DPWH Task Force Head for Augmentation of Health Facilities Emil K. Sadain, partikular na target nilang pagtayuan ng mga dormitories ay sa Quezon Memorial Circle o sa wide ground ng Veterans Memorial Medical Center.
Puwede raw itong gamitin ng mga health workers na nagtatrabaho sa East Avenue Medical Center at Philippine Heart Center na nasa East Avenue; Lung Center of the Philippines at National Kidney and Transplant Institute sa Quezon Avenue at Veterans Memorial Medical Center sa North Avenue.
At dahil sa mga dormitoryo, hindi na kailangan ng mga medical personnel ang bumiyahe mula sa mga ospital patungo sa kanilang mga bahay para magpahinga.
Ito ay para na rin sa healthcare protection ng pamilya ng mga health workers na laging na-e-expose sa mga pasyente.