Hindi pa umiinit ang usapin sa Quad Committee ngayong umaga, pinatawan na ng contempt si Napolcom Commissioner Police Col. Edilberto Leonardo dahil sa pagsisinungaling.
Si Abang Lingkod Partylist Rep. Stephen Caraps Paduano ang nag mosyon na patawan si Leonardo ng contempt.
Nag mosyon naman si Antipolo Rep.Romeo Acop na ikulong si Leonardo sa detention facility ng House of Representatives.
Nag-ugat ang contempt dahil sa patuloy na itinatanggi ni Leonardo ang naging pulong nilang mga mag classmate kasama si dating PCSO general manager Royina Garma.
Inuungkat kasi nina Rep. Paduano at Rep. Acop ang pulong nina Garma, Leonardo at Col Hector Guaraldo kung saan pinag-uusapan ang Davao template.
Sa nasabing pulong nanduon umano si dating Pangulong Rodrigo Duterte, dating PNP Chief Bato Dela Rosa at Senator Bong Go.
Ginanap umano ang nasabing pulong sa DPWH sa Davao City.
matapos ang isang buwan matapos maganap ang pulong kung saan napag usapan ang davao template nangyari ang
Samantala, kinuwestiyon naman ni Rep. Dan Fernandez si Garma hinggil sa pag appoint nito sa kaniyang anak bilang isang confidential agent.
Naungkat din ang pag appoint ni Garma sa pinsan at sa ilan pang sa mga kamag-anak nito.
Depensa ni Garma ang pag appoint niya sa mga ito ay dahil sa trust and confidence.
Inungkat din ang pagkakaroon nito ng property na isang mansiyon sa hilltop at ang pagbuo ng STL partylist.
Nabatid na nagbigay ng donasyon sa panahon ni Garma ang PCSO sa STL foundation at direktang nag benepisyo nito ang STL partylist.
Napag alaman P2 million ang dinonate ni Garma.
Sa kabilang dako, naungkat din ang investment ng dating asawa ni Garma na si Col. Roland Villela na mayruong investment sa abroad sa isang kilalang resto bar.
Ayon kay Villela nasa $200,000 dollars ang kaniyang ininvest at nakuha niya ito mula sa kaniyang sahod sa loob ng tatlong taon bilang police attache.