Umaasa si National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. na magkakasundo na ang mga bansa sa Southeast Asia at China sa isang binding na code of conduct sa South China Sea ngayong taon o sa 2022.
Sa isang panayam, iginiit ni Esperson ang kahalagahan nang pagpapairal ng diplomasya sa pagresolba sa mga issue sa teritoryo.
Sa ngayon, ang Pilipinas ang tumatayong dialogue coordinator sa pagitan ng China at ang ASEAN sa negosasyon hinggil sa isang code of conduct na naglalayong maiwasan na lumala ang sigalot sa South China Sea at mauwi sa armed conflict.
Bukod sa Pilipinas at China, kabilang sa mga claimants sa lugar ay ang Vietnam, Taiwan, Brunei at Malaysia.
Magugunita na noong Hulyo 2016 ay idineklarang iligal ng Hague-based Permanent Court of Arbitration ang claim ng Beijing sa buong South China Sea.