-- Advertisements --
image 325

Binigyang diin ng Indonesian Ambassador to the Philippines Agus Widjojo na ang code of conduct (COC) ang pinakamahalagang undertaking ng China at Association of Soueast Asian nations (ASEAN) para maiwasan at mapamahalaan ang conflicts sa pinag-aagawang West Philippine Sea.

Bilang chairman ng ASEAN ngayong taon, susubukan ng Indonesia na ipursige ng pagtalakay kaugnay sa Code of Conduct na naantala sa maraming taon sa gitna ng covid-19 pandemic.

Layunin ng COC na mapigilan ang magkakaibang claims sa oil-rich region mula bayolenteng komprontasyon o conflict na makakaapekto sa ekonomiya.

Ang pagsasapinal sa naturang COC ay naging madalian dahil sa ilang serye ng komprontasyon sa pagitan ng China at mga karatig na bansa sa Southeast Asia na may kaniya-kaniyang claims sa pinag-aagawang WPS kabilang ang Philippines, Vietnam, Malaysia, Brunei at Taiwan.