Itinaas na sa Code Blue ang alert status sa Ilocos region dahil sa bagyong Dodong.
Ayon sa inilabas na memorandum ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC), ang naturang deklarasyon ay para mapagahanda ang mga residente sa mga lugar sa rehiyon para sa posibleng epekto ng bagyo katulad na lamang ng mga pagbaha at landslides.
Kaugnay nito ipinag-utos ng ahensiya sa lahat ng local disaster risk reduction and management councils na ihanda ang lahat ng mahahalagang serbisyo at pasilidad na kakailanganin para sa posibleng pagpapalikas sa mga residente na maapektuha ng mga pagbaha at landslide.
Pinasisiguro din ng ahensiya sa lahat ng LDRRMC na ipagbawal muna ang paglalayag, pangingisda at paglangoy sa dagat lalo na sa mga lugar na saklaw ng gale warnings.
Sa kasalukuyan nananatili sa signal no.1 ang Ilocos Norte at Ilocos Sur.
Una ng iniulat ng state weather bureau ang posibilidad ng pagbaha at landslide dala ng mga pag-ulan habang tinatahak ng bagyo ang Northern Luzon mainland.