Iniulat ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) chief minister Ahod Ebrahim na walang naiulat na insidente ng karahasan sa rehiyon kaugnay sa paghahain ng certificate of candidacy para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections ngayong taon.
Ayon pa sa opisyal, naging smooth ang COC filing sa rehiyon simula ng magsimula ang aktibidad noong araw ng Lunes, Agosto 28.
Nakikipag-ugnayan na rin sila sa mga personnel ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines na idineploy sa rehiyon para sa pagpapatupad ng gun ban na ipinaiiral ng Commission of Elections.
Sa kasalukuyan, nagpapatuloy pa rin ang paghahain ng COC sa buong bansa para sa lokal na halalan na gaganapin sa Oktubre 30 na magtatagal sa Setyembre 2 maliban na lamang sa ilang rehiyon na nauna ng pinalawig pa hanggang sa Linggo dahil na rin sa epekto ng bagyo gaya ng NCR, at sa mga probinsiya ng Abra at Ilocos Norte.