-- Advertisements --

Bumalik na ang tinaguriang pinakamalaking music festival ng California ang Coachella.

Ito ang unang beses na pagbabalik ng music festival mula noong 2019 bago ang COVID-19 pandemic.

Gaganapin ito sa isang mala-disyertong bahagi ng Palm Spring kung saan tatakbo ito ng hanggang dalawang linggo simula Abril 16.

Ilan sa mga sikat na celebrities ang naimbitahan ay sina Billie Eilish, Harry Styles at The Weeknd.

Inaasahan na aabot sa mahigit 125,000 katao ang dadalo sa nasabing music festival.

Magugunitang tuluyang kinansela ang Coachella 2020 dahil sa COVID-19 pandemic.