-- Advertisements --

Kinastigo ng Commission on Audit (COA) ang kakulangan ng Department of Agriculture (DA) na lubos na maisaayos ang disbursement ng pondo bilang bahagi ng programa sa kanilang COVID-19 response.

Ang departamento ay merong fund utilization na umaabot sa P30.32 million o 98.86 percent kumpara sa allotment na mahigit sa P30.6 million.

Natukoy raw ng COA na meron pang balanse na P349 million na hindi na naipaluwal dahil sa pagka-delay ng pagpapaluwal ng pondo.

Ayon sa COA ang pagkabigong mailabas ng maaga ang pondo ay kabiguan din upang agad na mabigyan ng ayuda ang mga benipisaryo.

Lumabas din na meron pang naiwan n obligasyon na hindi nabayaran na nagkakahalaga ng P2.3 million.

Kaugnay nito, nilektyuran ng COA ang DA sa mga dapat sanang ginawa na pagsunod sa mga regulasyon.

Tinukoy din naman ng COA ang kabiguan na maipalabas ang pondo dahil sa mga samut saring mga rason sa bahagi ng Region 8 at Region 11.

Kaugnay nito inirekomenda ng COA sa department of agriculture na ayusin ang paglalatag ng mga nga istratehiya at plano sa mga implentasyon ng mga proyekto upang agarang mabigyang ayuda ang mga nangangailangan sa industriya ng agrikultura.