-- Advertisements --

Nilinis na ng Commission on Audit ang pangalan ni Filipino pole vaulter EJ Obiena.

Ayon sa annual audit ng COA sa Philippine Sports Commission (PSC) na nagamit ni Obiena sa tamang paraan ang P10 milyon na government assitance na ibinigay sa kaniya bilang paghahanda sa traninig nito sa ibang bansa kabilang na ang 2020 Tokyo Olympics.

Nagbiga na lamang ng COA ng ilang suhestiyion sa PSC gaya ng pagtigil na ng direktang tulong sa mga atleta at paghingi agad sa mga atleta ng liquidation report sa loob ng 30 araw pagkatapos ng kumpetisyon na nilahukan.

Magugunitang inakusahan noon ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) si Obiena ng hindi paggamit sa tama ng kaniyang mga allowance na ibinigay ng gobyerno.