-- Advertisements --
Sa pambihirang pagkakataon, naitala ng Metro Rail Transit (MRT-3) ang pinaka-mababang kita nito sa nakalipas na apat na taon.
Batay sa report ng Commission on Audit (COA), lumagapak sa P2.7-bilyon ang kita ng MRT noong nakaraang taon mula sa P2.78-bilyon noong 2017.
Katumbas ito ng 26-percent na pagbaba ng bilang ng mga pasahero mula sa 140-milyon noong 2017 patungong 104-milyon nitong 2018.
Nakita rin ng state auditors na labis ang pagtapal na ginawa ng gobyerno sa deficiencies sa kita ng MRT noong nakaraang taon.
Ayon sa COA, nasa 64-percent o P4.66-bilyon ang sinagot ng gobyerno noong 2018 para sa kita na bigong makolakta ng MRT.
Mas mataas din daw ito mula sa sinalong gastusin ng gobyerno sa mga nakalipas na taon.