Inatasan ng Commission on Audit (COA) ang Government Service Insurance System (GSIS) na kulektahin ang mahigit P2 bilyon na unpaid loans ng 22 delinquent borrowers.
Ayon sa COA ang nasabing halaga ay bukod pa sa interest na nagkakahalaga ng P823 milyon.
Sa annual audit report kasi ng GSIS noong 2022 na ang pinakamalaking hindi pa nabayarang loan ay nagkakahalaga ng P600 milyon na naibigay sa isang hindi na pinangalanang kumpanya.
Ang nasabing utang aniya ay hindi pa nabayaran sa loob ng 25 taon.
Isa umanong property developer ang nasabing borrower at mula noong 2003 ay hirap na itong makabayad kaya nai-foreclosed na nila ang ilang mga pag-aari niya.
Dahil sa nasabing halaga ay patuloy ang paghikayat ng COA sa GSIS na dapat higpitan ang pagkulekta sa mga pautang.