-- Advertisements --

Pinuna ng Commission on Audit (COA) ang mabagal na implementasyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa dalawang proyekto na pinondohan ng ibang bansa.

Batay sa annual report ng COA, nabatid na gumastos ng P10.7-milyon ang gobyerno bilang commitment fee ng proyektong Forestland Management Project (FMP) na naabot lang ang 76-percent accomplisment rate.

Ang naabot na completion ng proyekto ay taliwas sa ipinangako ng pamahalaan sa Japan International Cooperation Agency na nagpondo nito.

Samantala, nasa 38-percent lang ang natapos para sa proyektong Integrated Natural Resources and Environmental Management Project (Inremp) na funded na Asian Development Bank.

Dahil dito, inirekomenda ng COA sa DENR na pagsabihan ang hanay ng Foreign-Assisted and Special Projects Services hinggil sa pagre-review ng kanilang mga hawak ng proyekto.