George Clooney

Pinabulaanan ni George Clooney ang mga lumabas na usapin na magiging ninong ito sa panganay na anak nina Prince Harry at Meghan Markle na si Archie Harrison Mountbatten-Windsor.

Sinabi ng 58-anyos na actor, na isang uri lamang na tsismis ang nasabing usapin at ito ay walang katotohanan.

Iginiit nito na ayaw niyang maging ninong sa sinuman dahil abala ito sa pagiging magulang ng kambal anak nila ng asawang si Amal Clooney.

Kabilang kasi ang mag-asawa sa inimbitahan noong nakaraang taon ng ikasal ang Duke at Duchess of Sussex.