-- Advertisements --
Kinasuhan ng beteranong Hollywood actor Clint Eastwood ang mga CBD retailers na gumagamit ng kaniyang pangalan.
Sinabi nito, nakakasira sa kaniyang pangalan ang paggamit ng kumpanya na ang ibinebenta ay mga medical marijuana.
Inihalimbawa nito ang paggawa nila ng mga pekeng interview para palabasin na gumagamit ito medical marijuana.
Desidido ang 90-anyos na actor na sampahan ng kaso ang mga ito dahil sa iligal na paggamit ng kaniyang imahe.