-- Advertisements --

Posibleng sa ika-apat na linggo pa ng Hunyo masisimulan ang walong buwan na clinical trials sa paggamit ng Ivermectin bilang treatment para sa COVID-19.

Base sa report ng Philippine Council for Health Research and Development kay DOST Sec. Fortunato Dela Peña, target ng pag-aaral na maipatupad sa ika-apat na linggo ng Hunyo sa oras na maaprubahan na ito ng Food and Drugs Administration (FDA).

Nauna nang target na masimulan sana ang proyektong ito sa unang linggo ng Hunyo hanggang sa Enero 2022.

Layon nitong makapagbigay ng datos sa efficacy, safety, at effect ng viral clearance ng IVermectin sa mga asymptomatic at non-severe Filipino patients.

Sa hiwalay namang mensahe, sinabi ni DOST-PCHRD Executive Director Dr. Jaime C. Montoya na wala pang definite date sa kung kailan isasagawa ang clinical trials.