Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na pumasa na rin sa evaluation ng Single Joint Research Ethics Board (SJREB) ang clinical trial application ng COVID-19 vaccine ng Janssen Pharmaceutica.
“Janssen has just recently had the positive results of the vaccine expert panel (VEP) at SJREB ay nakapasa,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.
Nasa kamay na ngayon ng Food and Drug Administration (FDA), ang aplikasyon ng kompanya. Dito malalaman kung makakapag-sagawa pa ng eksperimento ang bakuna ng Janssen o hindi.
Kasama nila sa antas ng FDA review ang bakuna ng Clover Biopharmaceutical ng China.
“We need to remember, you need both, the approvals from vaccine expert panel and ethics review board in order for that speficic vaccine to go through the process of FDA.”
Bukod sa Janssen at Clover, pumasa rin sa SJREB ang aplikasyon ng British company na AstraZeneca. Hinihintay na lang sana nila ang approval ng VEP, pero inamin ng FDA na umatras ang kompanya target na eksperimento.
“They said they already have enough data,” ani director general Eric Domingo.
Ang Janssen ay pharmaceutical firm sa ilalim ng kompanyang Johnson & Johnson, at naka-base sa Beerse, Belgium.
Noong nakaraang buwan nagsimula ang huling bahagi ng Phase II trials ng kompanya sa 30,000 participants.
“The randomised, double-blind, placebo-controlled ENSEMBLE 2 trial will analyse the safety and efficacy of a two-dose vaccine regimen versus placebo in adults with and without comorbidities associated with an increased risk for severe Covid-19,” ayon sa artikulo ng website na Pharmaceutical Technology.
Bukod sa Pilipinas, target ng Janssen na isagawa ang kanilang Phase III trials sa mga bansang Belgium, Colombia, France, Germany, South Africa, United Kingdom and Amerika.