CAUAYAN CITY – Patay ang isang assistant branch manager sa Isabela matapos pagsasaksakin sa loob ng kanyang opisina sa bayan ng Roxas.

Kinilala ang biktima na si Kristine Diego, 32, registered nurse at opisyal ng Healthcare Plus Office.

Habang ang suspek ay nakilala sa pagkakakilanlan ni Vina Rose Santiago.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Maj. Engelbert Bunagan, hepe ng Roxas PNP na natukoy sa kuha ng CCTV ang nangyaring krimen.

Batay sa imbestigasyon, selos ang motibo ng pagpatay ni Santiago kay Diego.

Naitakbo pa sa pagamutan ang biktima ngunit idineklara ring dead on arrival.