-- Advertisements --

Matagumpay ang ginanap na Climate Resilience Forum na pinangunahan ng Americares.

Ang Americares ay siang health-focused relief at developmental organization na tumutulong sa mga tao at komunidad sa buong mundo para sa madaling makakuha ng de-kalidad na healthcare lalo na sa panahon ng kalamidad at maging sa araw-araw na pamumuhay.

Isinagawa ang nasabing forum nitong Hulyo 28, 2026 sa Asian Institute of Management sa lungsod ng Makati.

Layon ng nasabing forum ay pag-isahin ang ilang opisyal ng local government units, government agencies, healthcare professionals at ilang mga pangunahing stakeholders.

Pinangunahan ni Mr. Paul Gwyn Pagaran ang Country Director ng Americares ang nasabing forum kung saan tinalakay ang mga hamon na kinakaharap ng bansa lalo na ang nararanasang Climate Change.

Ilan sa mga naimbitahan ay ang mga opisyal mula sa Department of Health (DOH) at Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ibinahagi ng DOH ang National Adaptation Plan habang ang PAGASA ay ibinagi kalagayan ng Pilipinas sa pagharap sa hamon ng Climate Change.

Habang ipinakilala ng Americares Philippines ang Climate Resilience Kit na magagamit sa panahon ng Climate Change.

Kasama rin na inimbitahan ang ilang mga nasa local health units ng Mallig Rural Health Unit, Mabitac Super Health Center sa Laguna , San Manuel Primary Care Facility at Cagwait Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.

Ibinahagi rin ni Professor Chad Michael Briggs, Academic Program Director at Executive Masters in Disaster Risk and Crisis Management ng AIM ang Capacity Building para sa susunod na henerasyon.