-- Advertisements --
image 89

Pinapurihan ng Climate Change Commission ang liderato ni PBBM dahil sa maganda umanong kampanya laban sa banta ng Climate Change.

Ayon kay CCC Executive Director Robert Borje, nakatutok ang Marcos Administration sa mga inisyatiba ng pamahalaan para malabanan ang labis na pagbabago sa klima, at ang kabuuang banta nito sa buong bansa.

Malinaw din aniya ang direksyong tinatahak ng pamahalaan para malabanan ang naturang problema, gamit ang pagtutulungan ng ibat ibang ahensiya ng pamahalaan.

Sa kasalukuyan, natapos na rin aniya ng Komisyon ang imbentaryo ng Greenhouse Gas para sa taong 2015 hanggang 2020 na magsisilbing basehan para sa gagawing intervention para maprotektahan ang bansa mula sa polusyon sa hangin at iba pang polusyon.

Ayon kay Borje, matagal ding nakabinbin ang naturang imbentaryo ngunit natapos kaagad sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Sa pamamagitan ng bagong-tapos na imbentaryo, matutukoy ang nagiging kontribusyon ng bansa sa kabuuang climate change sa buong mundo.

Sa pamamagitan nito ay nagagawa aniya ng pamahalaan na makabuo ng mas makabuluhang istratehiya upang malabanan ang naturang problema, kahanay ng mga kampanya ng iba pang mga bansa.