Naniniwala umano si Claudine Barretto na malalampasan nila ng kanyang inang si Inday ang panibagong gulo sa kanilang pamilya.

Bahagi ito ng caption ng 40-year-old actress sa larawan kung saan kasama rin nito ang kapatid at tiyahin para sa paggunita sa pa-siyam o ika-siyam na araw ng pagpanaw ng amang si Miguel.

Nagsalu-salo ang apat sa isang Japanese restaurant matapos bumisita sa labi ng Barretto patriarch.

“Visited dad earlier with my mom @barrettoestrella @estrellabarretto and kuya @jjbarretto2 and tita @itsmecherrylimyap it’s Dad’s 9th day. I promise to be here for you always mom . We will get through this. I love you so much”

Samantala, iginiit ni Gretchen Barretto na walang malisya sa kumakalat na larawan kung saan magkasama sila ng gambling businessman na si Atong Ang habang nasa airport at magkatabi pa sa eroplano.

Gretchen With Atong
Marjorie sexy pic

Sa tinatawag na IG stories, inihayag ng 49-anyos na si “La Greta” na hindi nito alam na nakuhanan pala ito ng larawan habang natutulog at magka-holding hands pa sila ni Atong Ang.

Kapwa may damit daw sila ng negosyante, kompara sa ilang pictures ng 45-year-old sibling na si Marjorie Barretto na aniya’y “itchie very” o makati.

Sinasabing luma na ang naturang larawan na umano’y si Marjorie kung saan tila pinapakita nito ang kanyang dibdib at ari.

Una nang inakusahan ni Marjorie si Gretchen na inagaw lang si Ang sa pamangkin na si Nicole.

Pero sa bersyon ni Gretchen, si Claudine ang tunay na mang-aagaw.

Sa panig ng gambling businessman, itinanggi nitong may nakarelasyon siya sa mga Barretto.