Hindi uurungan ni Claudine Barretto ang nakakatandang kapatid na si Marjorie, na nagbantang siya ay kakasuhan.

Ayon sa kanyang abugadong si Atty. Ferdinand Topacio, karapatan ng sinuman ang magdemanda sa korte at sana’y mapatunayan ni Marjorie na ang mga akusasyon nito laban sa kanyang kliyente.

“As always, we are ready and able to meet any accuser before any forum and we shall defend Ms. Barretto to the best of our abilities, as we are totally convinced, based on evidence admissible in court, that she is INNOCENT of any wrongdoing,” ani Topacio sa pep.

Ugat ng kaso ay dahil daw sa imbentong kuwento ni Claudine kung saan sinaktan ni Marjorie ang kanilang ina, at pilit pang kinukuha ang bahay nila sa Subic.