-- Advertisements --
Inalala ni Claudine Barretto ang namayapang nobyong si Rico Yan sa kaniyang ika-22 death anniversary.
Sa social media account ng actress ay nagpost ito kung saan sinabing noong Marso 29 ay huminto ang tibok ng kaniyang puso.
Nirepost din ng actress ang panayam sa kaniya ni Karen Davila kung saan sinabing labis ito ng naapektuhan sa pagkasawi ng nobyo.
Sumikat ang dalawa bilang love team noong 2000 kung saan may ilang mga patok na pelikula nila.
Nasawi ang actor habang ito ay natutulog noong Marso 29, 2002 dahil sa hemorrhagic pancreatitis habang nagbabakasyon sa Palawan.