NAGA CITY – Suspendido na ang lahat ng pasok sa mga opisina sa kapitolyo at klase sa lahat ng lebel sa Camarines Sur.
Sa ipinalabas na Memorandum No. 2 ni Camarines Sur Governor Migz Villafuerte, nakasaad na simula ngayong Hunyo 2, wala munang pasok at klase dahil sa banta ng Bagyong Dante.
Ito’y matapos ibandera ang Signal No. sa buong lalawigan dahil sa nasabing bagyo.
Samantala, kanselado na rin ang pasok sa lahat ng ahensya sa Lungsod ng Naga batay naman sa ipinalabas na Memorandum ni Naga City Mayor Nelson Legacion.
Ngunit mananatili pa ring bukas ang mga opisina na may kinalaman sa disaster risk reduction management upang patuloy na makapagpadala ng tulong sa mga maapektuhan ng bagyo.
Kaugnay nito, hinihikayat ng pamahalaang probinsyal na ipatupad na rin ang nasabing hakbang sa mga local government offices, government agencies at mga pribadong kompanya.